Sa tuwing kami'y nagbabakasyon sa Pilipinas, naglalaan talaga kami ng panahon upang pagtuunan ang aming sarili. Sa ating bansa mura ang body pampering tulad ng masahe at foot spa. Kailan lamang ay nagpa foot spa ang aking better half dahil MAKAPAL na raw ang kanyang kalyo sa paa.
MAKAPAL na Yelo naman ang naghihintay sa aming pagbabalik sa Alemanya. Sabi ng aking mga kaibigan doon, grabe daw ang lamig ngayon at napakahirap magmaneho sa snow. Kung pwede nga lang na mamalagi na rito subalit kailangan naming harapin ang ibang responsibilidad doon.

Bagama't napabayaan na ang Nayong Pilipino, MAKAPAL pa rin ang dahon ng mga tanim doon. Sana ay bigyan ng pansin ng ating pamahalaan ang paboritong field trip destination na ito ng ating mga mag aaral. Naging MAKAPAL na rin ang mga water lilies sa man-made lagoon doon.
10 Kommentare:
Naku, ako rin kumakapal na ang mga kalyo sa paa ko at tagal na kong di nakakapag-foot spa. Kakamiss!
Magandang araw! Ito ang lahok ko: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2010/01/lp-makapal-thick.html
Yan talaga ang palagi sinasabi ng mga Pinoy na nasa abroad. It's self pampering time pag nakauwi ng Pinas. Imagine not just that daily massage and several times foot spa but pati na rin hair coloring and bonding, dental visits, and eye glasses changing. am wondering bakit kaya mura dito sa Pinas (for the expats and foreigners) hehee
Happy LP, antonette!
Arlene
http://sunshine-photoblog.blogspot.com/2010/01/lp-makapal-thick.html
ha ha ha, yan din ang kinareer ko nuong huli naming uwi, ang magpaganda,kahit mukha namang wa epek!, mahal kasi dito eh.sa atin mura lang. :)
LP:Makapal
hehehe natawa ako dun sa unang litrato. pero meron din akong makapal na kalyo dahil sa mga matataas na sapatos na sinusuot ko.
happy lp
Hai, An2nette, ganoon din ako, makapal na ang kalyo ko, pwede na rin maging callos na ulam, hehehehe!
Happy New Year and Happy LP.
Naalala ko pa ang Nayong Pilipino! Miss ko na yan aba sana nga maayos nila. Haha the best yan foot spa at kung ano ano pa pag uwi satin! sulit!
happy lp.
www.gmirage.com
Katuwa yung first shot ha ha! Oo nga, makapal ang yelo sa Germany, sana naman hindi ka madepress kapag nakabalik ka dahil sa laki ng difference ng temperature ng 2 continents. From Asia to Europe in winter time *sigh*
Happy New Year and happy LP day! :)
Thess
hahaha nakaka-addict ang foot spa pero feeling ko lalong kumakapal ang kalyo pag laging kinakayod (LOL).
ayy, mukhang gubat na ang Nayong Pilipino! sayang, akala ko may itatayong hotel jan.
ha ha, kakatuwa naman. pampering time talaga pag uwi ng pinas :-)agree ako kay dimple's mom kasi ganyan din ang gawain ng mga kamag-anak namin galing abroad pag uuwi.
paborito namin ang nayong pilipino na pasyalan dati nung college pa ko. kaso wala na siya ngaun di ba?
heto naman ang aking lahok:makapal
Makapal na kalyo, snow o tanim? Doon na lang ata ako sa tanim - hahaha! :) Na-miss ko tuloy magpa-foot spa. Dito kasi, "self foot spa" ang uso ;) Happy LP, Tonette!
Kommentar veröffentlichen