Mittwoch, 9. Dezember 2009

LP - Wish (Hiling)

Maligayang pagbabalik ng Litratong Pinoy at Happy LP sa lahat ng kasapi. Ang tema para sá araw na ito ay hiling o wish in english. Marami akong wish sa buhay at karamihan sa mga ito ay natupad na. Nakarating ako sa iba't ibang bansa na di ko akalaing mapupuntahan, mayroon na rin kaming sariling tahanan at nakapagtapos na rin ang karamihan sa mga anak ko.

Sa tema natin ngayong linggo sa litratong pinoy , wish ko pa rin ang pandaigdigang kapayapaan at nawa'y mabigyan ng solusyon ang kagutuman at kahirapan ng ating mga kakabayan maging ang lumalalang krisis sa ating bansa.



Para sa aking pamilya, hiling ko rin ang magandang kalusugan at kaligtasan ng bawa't isa.

8 Kommentare:

Unknown hat gesagt…

mas mainam talaga kapag ang wishes natin ay para sa ibang tao, kaysa sarili.:p

i'm wishing you more happiness!

upto6only hat gesagt…

tama si Luna, maganda na ang mga hiling natin ay para sa ibang tao. in the end, nabibiyayaan ka din.

happy LP

Joy hat gesagt…

Amen sa mga sinulat mo. Kapayapaan...kasaganahan...kalusugan...para sa lahat.

Magandang araw!
Eto naman ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2009/12/lp-hiling-wish.html

 gmirage hat gesagt…

World Peace! (With matching kaway...) ehehe.

Sabi nga God loves a cheerful giver....share lang ng share...happy lp!

www.gmirage.com

Ebie hat gesagt…

Sang ayon din sko ni G, World Peace!

I hope we can resolve the troubles of our country too!

Happy LP!

iris hat gesagt…

ako naman wish ko para sa mga bata na nasa lansangan.. sana'y makahanap ka din ng time na makatulong, kahit nasa ibang lugar =)

have a great weekend!

iris
www.naptimerocks.com

agent112778 hat gesagt…

coll family photo

sana maibigan nyo rin ang aking lahok

magandang araw ka-litratista :)

Salamat sa pagbisita :)

Ronnie hat gesagt…

makamit mo sana ang kalusugan ng inyong pamilya lagi. health is wealth.