Mittwoch, 23. September 2009

LP- Palengke (Market)

Happy LP to all!!! Ang tema para sa araw na ito ay palengke o market, mga giliw na readers at mga ka-LP, atin ding silipin ang lahok ng ibang miyembro ng Litratong Pinoy.

Sa aking paglilibot saan mang bahagi ng mundo, isa sa mga pinupuntahan namin ay mga palengke. Ang lugar na ito ay malapit sa aking puso sapagkat dito kami binuhay ng aking namayapang ina. Madaling araw pa lamang ay kasa kasama na ako noon ng aking ina sa palengke ng blumentritt upang mamili ng mga paninda. Sa pagtitinda at pagkakaroon ng karinderya kami nabuhay at nakapagtapos ng pag aaral. Kaya, halina at ililibot ko kayo sa mga palengkeng aking napuntahan.

Unahin natin ang Tutuban (Divisoria) sa Pilipinas, paboritong palengke yan ng aking better half kasi diyan lang siya nakakabili ng kilo kilong tela para ipagawa ng short at t-shirt. Mura ang mga bilihin dito kung kaya't ito'y dinadayo ng mga tao lalo na kapag nalalapit ang kapaskuhan.

Dumako naman tayo sa bansang Hongkong, dito ko nakita ang marami nating kababayan na namamalengke.

Sa ibabang larawan naman ay ang palengke sa Ho Chi Min City o dating tawag na Saigon sa Vietnam, parang palengke rin sa atin

Amin ring napuntahan ang floating village sa bansang Cambodia at ang palengke nila ay nakalutang rin. Ang mga mamimili ay nakasakay din sa maliit na bangkang de sagwan at ang mga bata naman ay sa palanggana nakasakay. Lahat ng kabahayan, paaralan at simbahan ay pawang nakalutang.


Dumako naman tayo sa bansang Thailand, ang palengke sa Bangkok ay kagaya rin ng sa atin, napakarami ng mga paninda gayon din ang mga nagtitinda

Sa United Arab Emirates naman ay nabisita namin ang palengke sa Kuwait.

Napadako rin kami sa tindahan ng mga gintong alahas at kasuotan sa Kuwait market, at ito ang nabili namin, mukha pa rin bang German si Dirk kahit na naka Arabian costume??

Dito naman sa Europa ay nagawi kami sa city market ng Amsterdam sa bansang Holland, kasama ko sa larawan ang aking anak na si Rose Belle nung siya ay nagbakasyon dito sa Germany.

Sa Budapest, Hungary naman ang palengkeng nakalarawan sa ibaba, napakalaki rin ng kanilang palengke kung saan ka makakabili ng lahat ng pangangailangan sa bahay at buhay.

Dito sa aming lugar, dalawang beses lang sa isang linggo nagkakaroon ng tiyangge, araw ng martes at sabado. Bagama't mabibili mo rin ang mga paninda dito sa mga supermarket, mas gusto ng mga tao dito sa kadahilanang mas sariwa ang mga paninda lalo na ang mga prutas at gulay na hango sa kanilang mga taniman.


Sana ay nagustuhan ninyo ang paglilibot sa iba't ibang palengke kasama ang palengke queen.

9 Kommentare:

SASSY MOM hat gesagt…

nakakatuwa ang dami mo nang napuntahang palengke sa iba't ibang dako ng mundo.

Heto naman ang aking lahok

Yami hat gesagt…

Wow ang daming palengke dito. Kapag natuloy ang pangarap kong tindahan sigurado sa Divisoria ako mamimili ng kalakal dahil bagsak presyo ang paninda don. :)

fortuitous faery hat gesagt…

wow, ang dami mo na palang nalibot na palengke sa iba't ibang bansa! personally, hindi ako magsasawa sa sarili nating divi! :)

Marites hat gesagt…

kakatuwa naman at kung saan-saang palengke kayo napunta. Iisa ang hitsura ng mga palengke. Masalimuot, makulay. Pero, sa Divisoria pa rin ako hehehehe!

Andito ang sa akin. maligayang LP!

Ebie hat gesagt…

Wow! Talagang world traveler! talagang ang daming palengke and napuntahan mo!

Ebie's Palengke.

upto6only hat gesagt…

ay ang galing ang dami mong photos ng palengke sa ibat ibang lugar.

Happy Lp

Unknown hat gesagt…

wow, iba't ibang palengke! enjoy ako sa floating market sa Bangkok, kakaibang experience.

Carnation hat gesagt…

ang dami talgang klase ng palengke depende sa kultura at gusto ng mga tao! salamat sa dalaw!

agent112778 hat gesagt…

ayaw ko pumunta sa Divisoria market ng manila :((

sana maibigan nyo rin ang aking lahok

magandang araw ka-litratista :)

Salamat sa pagbisita :)