Mittwoch, 30. September 2009

LP - Linis (Clean)

Happy LP sa lahat ng miyembro ng Litratong Pinoy. Ang tema natin para sa araw na ito ay LINIS na sadyang napapanahon dahil sa pinsalang dulot ng bagyong Ondoy (Ketsana). Ako'y nalulungkot sa sinapit ng ating mga kababayan na hanggang ngayon ay patuloy na nangangailangan ng tulong. Marami ang mga bagay na dapat LINISin sanhi ng baha at harinawa'y sa tulong ng Poong Maykapal ay unti unting makabangon ang mga naapektuhan at higit sa lahat, huwag mawalan ng pag-asa. Ito ay isa lamang pagsubok ng tadhana at walang pinipili, mayaman man o mahirap.

Ang aking lahok ay may kaugnayan sa nakaraang tema- ang Palengke. Dito sa aming lugar ang araw ng tiyangge sa siyudad ng Offenburg ay tuwing Martes at Sabado at ito ay mula alas- siyete ng umaga hanggang ala-una ng hapon. Eksakto ala-una ay darating na ang trak na magliLINIS ng kalye. Sadyang napakaunlad ng bansang Alemanya, ang mga gamit nila sa pagliLINIS ay mga makabagong makina.

Ayan malinis na ulit, wala ng bakas ng mga puwesto ng gulay, prutas, isda, halaman at kung ano ano pa.

Ang wine festival naman ay idinaos mula Septyembre 25-28. Libo libo ang mga taong dumalo sa taunang winefest. Kinabukasan, ang mga may ari ng stalls ay nagsimulang magLINIS at magligpit ng kani-kanilang mga puwesto.

6 Kommentare:

Thess hat gesagt…

Makakaahon din tayo, sa tulong ng Panginoon. Basta tulong-tulong lahat wala namang imposible.

Mahusay na paraan ng paglilinis, makinarya at manual labor...lilinis talaga :)

Happy LP at salamat sa dalaw, Antonette :)

Thesserie.com

linnor hat gesagt…

hindi halatang may palengke sa lugar na yan matapos malinisan. :)

Yami hat gesagt…

ang linis naman ng lugar niyo ka-LP. sana ganyan din dito sa Pinas.

nandito naman ang lahok ko:

http://penname30.blogspot.com/2009/09/lp-linis-clean.html

Marites hat gesagt…

aba, high-tech nga. parang walang nangyari ano. gandang tingnan. maligayang LP!

http://www.pinaylighterside.com/2009/09/litratong-pinoy69-linis-clean.html

♥♥ Willa ♥♥ hat gesagt…

May ganyan din ng klaseng pang linis ang kalye dito sa Canada, tuwing umaga ay nakikita namin na nililinis ang kalye kahit wala naman dumi. :)
LP:Linis

Unknown hat gesagt…

malalampasan din ito ng Pinoy, sigurado ako. hindi madali pero kakayanin.

sana may mga hi tech na taga-linis dito para mabilis ang paglinis ng mga putik at basura sa mga lugar na binaha.