Tayong mga pinoy ay sadyang mahilig kumain kaya dalawang oras maatapos ang almusal at tanghalian ay meron tayong merienda at midnight snack naman sa gabi. Sa pagitan niyan ay meron pa tayong mga kinukutkot tulad ng butong pakwan, chips, mani at kung ano pa. May mga kaibigan nga ako na malakas kumain pero ang mga katawan ay coca cola body. Sabagay depende rin iyon sa metabolism ng isang tao. Ang mga tao dito sa Alemanya ay hindi nakagawian ang magmeryenda. Ang pinakaheavy nilang kain ay tanghalian at sa hapunan sa mga tipikal na german ay brot o tinapay na may keso o palaman tulad ng ham, salami.

Speaking of merienda, ang paborito ko ay turon, sabayan mo ng malamig na coke zero, wow, solve na ang snack ko. Ang inyong abang lingkod po ang mahilig gumawa ng turon dito at special request yan ng mga nagbebertdey.

Paborito ko rin ang mga kakanin na sariling atin tulad ng puto, kuchinta, maja, buche, palitaw,biko at iba pa, wag nyo na lang pansinin ang ketchup, naligaw lang yan diyan, hindi masarap ang kakanin kung lalagyan ng ketchup, dapat toyo, patis at datu puti (joke)
Mga ka-LP meryenda na tayo, Guten Appetit!!! (good appetite)
17 Kommentare:
o mahlzeit neighbor! turrrrroooonnnn! anong saging ginagamit mo? may saba jan? nacurious tuloy ako. dito naman kahit paano ay may jause, kadalasan prutas at jogurt. na dann danke sa invitation na kumain hihi.
Mirage (kitchenmaus)
@mirage2g- neighbor, ang ginagamit kong saba ay yung dala ko from pinas, pag nahinog na siya gumagawa ako ng turon nilalagay ko lang sa freezer at pag wala na yung sa bote na lang
turon,masarap iyan lalo n akung may langka sa loob. :)
LP:Snack
ha-ha, kahit pala nasa Germany, starring pa rin ang Pinoy kakanin!
Halos pareho ang ating merienda, puro kakanin.
Sana'y magustuhan mo rin ang merienda kong hatid ngayong Hwebes!
naku ang sasarap nga nito. salamat sa dalaw
http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/08/lp-merienda-snack.html
ang bibigat nito sa tyan! mahilig talaga ang pinoy sa ganyan! Happy LP!
eto naman ang meryenda ko: http://sweetbitesbybang.com/2009/08/litratong-pinoy-meryenda-kape-at-bagel-with-herbed-cream-cheese/
may masalimuot akong nakaraan sa turon.:P may masarap na turon akong natikman sa isang hotel sa angeles city, at tuwing kumakain kami don, nenenenok ko ang turon (buffet kasi), nilalagay namin sa aming bag para kainin sa kotse pauwi sa manila (lol).
naman! lahat yan gusto kong merienda! something i truly miss:(
ces
ang alam ko, mahirap hanapi ang saba diyan eh. anong saging at anong lasa kaya ng turon? :) wow! ang daming pagkain! nalaway ako!
Maligayang LP!
I'm sure patok na patok nga yan, lalo na sa mga pinoy na sobrang miss na ang lutong pinoy.
Gusto ko sa turon ay yung maraming asukal at medyo malambot ang saging. Yummy!
Ito po ang aking lahok ngayong Huwebest.
pinoy na pioy ang merienda :)
eto naman po ung akin :D
mabigat na merienda :)
HAPPY HUWEBEST KA-LP :D
wow ang daming kutchinta yum yum
salamat sa pag sali sa tema ngayun at sa masarap na komento
sana maibigan nyo rin ang aking lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
ang daming pagkain at super sarap nilang lahat.
Yummmm. Turong ang all time fave kong merienda.
kahit nasaan talaga ang pinoy, hindi maiiwan ang kanyang mga peyborit na pagkain. ang aking merienda ay kapatid ng iyong turon, ang banana cue. he he
Kommentar veröffentlichen