Bilang isang ina, pangarap kong mapagtapos ang lahat ng aking mga anak at apo. Ito lamang ang aking maipapamana sa kanila, ang kanilang edukasyon. Ito ang magbibigay sa kanila ang magandang kinabukasan. As a mother, its my wish that all my children and grandchildren finish their schooling. Education is very important and its the only thing that i can give to them. By the way, the smallest boy is my grandson Lucky.

Isa pa sa mga pangarap ko ay ang makarating din ng Amerika. Maraming bansa na rin sa Europa, Asya, Gitnang Silangan at kahit Australia, ang aking nabisita, pero hindi pa ako nakarating sa Land of the Big Apple. It's also my wish to go the United States. I've been to most parts of Europe, Asia, Middle East and even Australia, but not in the Land of the Big Apple. The picture below is the framed picture of Brooklyn Bridge in New York which hang in our bathroom.
Bilang babae ay pangarap ko ring magkaroon ng magagandang alahas. At dahil ako'y walang hilig sa mga palamuti sa katawan, mananatili sigurong pangarap na lang ito. Kung magkakaroon man ako ng alahas iyon ay aking ibibigay sa aking apat na babaeng anak. I also wish to have some jewelries but i'm not fond of it. If i'm going to have some, i'm going to give it to my four daughters.
At sa makabagong teknolohiya naman, gusto ko ring magkaroon ng i-phone. Bilang internet freak,gusto ko ay maka access ako sa net kahit saan man ako pumunta. At dahil mabigat sa bulsa ang halaga nito, maghihintay na lang ako ng may magregalo sa akin, malay mo mabasa ng sweetheart ko ito, iregalo nya sa akin sa pasko, sana by that time mura na íto.
At higit sa lahat, pangarap ko ang magkaroon ng pandaigdigang kapayapaan (world peace). Nasa larawan ang aking mga manugang also wishing for peace around the world.

11 Kommentare:
Mommy, palit kaya tayo? Pangarap ko kasing pumunta ng Europe. :D Hehe
Gusto ko rin makarating ng US, nga lang walang dumadating na oportunidad sa akin. Maganda rin ang alahas at iphone.
Matupad sana ang lahat ng pangarap mo.
Happy Huwebes Ka-LP!
Naririto naman ang aking lahok: http://penname30.blogspot.com/2009/06/litratong-pinoy-pangarap-ko.html
Libre naman ang mangarap... Gusto ko ring pumunta sa Europe and some Asian countries....Okay na ako sa Big apple hehehe i went there in 05 :D
Eto ang Pangarap Ko
Matupad nawa lahat ng pangarap mo.
Thess
Ang wish ko ay ang katuparan ng mga pangarap mo :) Hala, shopping na pala para sa iPhone at alahas (parang ganun kadali eh no?) ;)
my LP:
http://greenbucks.info/2009/06/10/pangarap-nila/
IPhone! Gusto ko rin yan!
Eto naman ang pangarap ko: http://www.maureenflores.com/2009/06/litratong-pinoy-pangarap-ko.html
Ka LP -- ang Europe at alahas ay magandang combination -- feeling totoo na talaga.
Salamat sa dalaw.
ang dami mo na palang napuntahang lugar at oo nga naman, dapat isali doon ang US. nakow, iyang iphone na iyan dapat may magbigay din sa akin hehehehe!
salamata sa pagbisita! ang sarap mangarap, mas masarap kung ito ay natutupad. Sana matupad mo ang iyong mga pangarap kaibigan!
aba siyempre may wish na world peace. :) happy LP!
isang bus ride lang ang layo ko sa big apple! :)
ako naman, gusto ko makarating ng germany!
may all your dreams come true!
Kommentar veröffentlichen