Mittwoch, 10. Juni 2009

LP - Pangarap ko (My Dream)

Lahat tayo ay may pangarap sa buhay, lugar na gustong mapuntahan, magandang sasakyan, bagay na gustong makamtan, pangarap para sa mahal sa buhay, materyal man o hindi. Lahat tayo ay libreng mangarap, wala itong amilyar at walang hangganan. Habang tayo'y nabubuhay, may posibilidad na ang ating mga munting pangarap ay maisakatuparan. Happy LP day na muli sa lahat at ating alamin ang pangarap ng ibang kasapi sa LITRATONG PINOY sa temang PANGARAP KO.

Bilang isang ina, pangarap kong mapagtapos ang lahat ng aking mga anak at apo. Ito lamang ang aking maipapamana sa kanila, ang kanilang edukasyon. Ito ang magbibigay sa kanila ang magandang kinabukasan. As a mother, its my wish that all my children and grandchildren finish their schooling. Education is very important and its the only thing that i can give to them. By the way, the smallest boy is my grandson Lucky.

Isa pa sa mga pangarap ko ay ang makarating din ng Amerika. Maraming bansa na rin sa Europa, Asya, Gitnang Silangan at kahit Australia, ang aking nabisita, pero hindi pa ako nakarating sa Land of the Big Apple. It's also my wish to go the United States. I've been to most parts of Europe, Asia, Middle East and even Australia, but not in the Land of the Big Apple. The picture below is the framed picture of Brooklyn Bridge in New York which hang in our bathroom.

Bilang babae ay pangarap ko ring magkaroon ng magagandang alahas. At dahil ako'y walang hilig sa mga palamuti sa katawan, mananatili sigurong pangarap na lang ito. Kung magkakaroon man ako ng alahas iyon ay aking ibibigay sa aking apat na babaeng anak. I also wish to have some jewelries but i'm not fond of it. If i'm going to have some, i'm going to give it to my four daughters.

At sa makabagong teknolohiya naman, gusto ko ring magkaroon ng i-phone. Bilang internet freak,gusto ko ay maka access ako sa net kahit saan man ako pumunta. At dahil mabigat sa bulsa ang halaga nito, maghihintay na lang ako ng may magregalo sa akin, malay mo mabasa ng sweetheart ko ito, iregalo nya sa akin sa pasko, sana by that time mura na íto.

At higit sa lahat, pangarap ko ang magkaroon ng pandaigdigang kapayapaan (world peace). Nasa larawan ang aking mga manugang also wishing for peace around the world.

11 Kommentare:

Reesie hat gesagt…

Mommy, palit kaya tayo? Pangarap ko kasing pumunta ng Europe. :D Hehe

Yami hat gesagt…

Gusto ko rin makarating ng US, nga lang walang dumadating na oportunidad sa akin. Maganda rin ang alahas at iphone.

Matupad sana ang lahat ng pangarap mo.

Happy Huwebes Ka-LP!

Naririto naman ang aking lahok: http://penname30.blogspot.com/2009/06/litratong-pinoy-pangarap-ko.html

Zeee hat gesagt…

Libre naman ang mangarap... Gusto ko ring pumunta sa Europe and some Asian countries....Okay na ako sa Big apple hehehe i went there in 05 :D

Eto ang Pangarap Ko

Thess hat gesagt…

Matupad nawa lahat ng pangarap mo.

Thess

TeacherJulie hat gesagt…

Ang wish ko ay ang katuparan ng mga pangarap mo :) Hala, shopping na pala para sa iPhone at alahas (parang ganun kadali eh no?) ;)

my LP:
http://greenbucks.info/2009/06/10/pangarap-nila/

Mauie Flores hat gesagt…

IPhone! Gusto ko rin yan!

Eto naman ang pangarap ko: http://www.maureenflores.com/2009/06/litratong-pinoy-pangarap-ko.html

emarene hat gesagt…

Ka LP -- ang Europe at alahas ay magandang combination -- feeling totoo na talaga.

Salamat sa dalaw.

Marites hat gesagt…

ang dami mo na palang napuntahang lugar at oo nga naman, dapat isali doon ang US. nakow, iyang iphone na iyan dapat may magbigay din sa akin hehehehe!

PEACHY hat gesagt…

salamata sa pagbisita! ang sarap mangarap, mas masarap kung ito ay natutupad. Sana matupad mo ang iyong mga pangarap kaibigan!

Ako hat gesagt…

aba siyempre may wish na world peace. :) happy LP!

fortuitous faery hat gesagt…

isang bus ride lang ang layo ko sa big apple! :)

ako naman, gusto ko makarating ng germany!

may all your dreams come true!