Ang aking unang lahok ay ang aking apo na si Jamie Antonie. Hindi na sya makapaghintay na banggitin sa kanya na "iyo na ang tinapay" kaya sinubsob na lamang niya ang mukha sa nakabalot pang tinapay.

Ang pangalawang larawan naman ay isang Acer Laptop. Ang sabi ng aking esposo sa aking anak na si Astrid. Magiging IYO ang laptop na yan kung makakapagbawas ka ng anim na kilo sa iyong timbang. Siya ay tumitimbang ng 68 kilos at kailangang maging 62 kilos siya para mapasakanya ang Laptop.
At dahil siya ang tagabantay ng aming tahanan sa Pilipinas habang wala kami, sinabi rin sa kanya ng kanyang Uncle Dirk na " IYOng ingatan ang service car na iyan"
10 Kommentare:
uy ang ganda ng lappy! pag hindi pa naman sya nyna na inspire to lose weight,ewan ko na lang!
LP:IYO
ha ha, tuwang tuwa ako sa unang larawan, ang cuteeeee!
kung ako kay astrid, ikakarir ko ang pag-eexercise para mapasaaking ang laptop na yan. sana may magbigay din sa akin ng ganyang incentive para pumayat ako :-) at pati yung car, grabe!
heto naman ang lahok ko.
ang cute ng apo mo, nakakatuwa ang litrato...mukhang miss na miss nya ang tinapay!:p
oi, ok na reward yan sa pagpapa-sexy. nice color ang car mo.:p
napaka cute ng apo mo...she is so excited to eat the bread talaga.
at ang ganda ng inspiration to lose wt ng anak mo ha. am sure 62 kilos na sya ngayon.
maganda LP!
Arlene
http://sunshine-photoblog.blogspot.com/2010/02/lp-iyo-yours.html
natuwa din ako dun sa unang larawan! Ang cute naman talaga. Sana hindi nahirinan. :)
Ito naman ang akin: http://tanjuakiohome.blogspot.com/2010/02/lp-iyo-yours.html
Magandang araw!
Nagloloose din ako ng weight. Pwede bang magpaligsahan kami? Kung sino ang pumayat kanya ang laptop hehehe... Maligayang araw sa iyo ka litratista!
hahaha! naka, sinubsob talaga ang mukha sa tinapay! ang galing ng kuha! 6 kls lang? maski 10 kls basta akin na lang ang laptop :D type ko iyong kulay ng kotse..ang ganda. maligayang LP!
Nandito ang aking LP.
ang cute ni baby! :)
kumusta ang pagbabawas ni astrid? magandang incentive yung laptop :)
Katuwa naman ang iyong apo - cute! At type ko ang kulay ng iyong "service" car ha - napaka-bagets! Bagay na bagay sa iyong hija :)
aww ang cute ng baby ninyo! =)
Kommentar veröffentlichen