Happy HuweBEST sa lahat, LP day na naman. Ang tema natin sa araw na ito ay merienda o snack. Ano naman kaya ang paboritong meryenda ng ating mga kasamahan sa
Litratong Pinoy.Tayong mga pinoy ay sadyang mahilig kumain kaya dalawang oras maatapos ang almusal at tanghalian ay meron tayong merienda at midnight snack naman sa gabi. Sa pagitan niyan ay meron pa tayong mga kinukutkot tulad ng butong pakwan, chips, mani at kung ano pa. May mga kaibigan nga ako na malakas kumain pero ang mga katawan ay coca cola body. Sabagay depende rin iyon sa metabolism ng isang tao. Ang mga tao dito sa Alemanya ay hindi nakagawian ang magmeryenda. Ang pinakaheavy nilang kain ay tanghalian at sa hapunan sa mga tipikal na german ay brot o tinapay na may keso o palaman tulad ng ham, salami.

Speaking of merienda, ang paborito ko ay turon, sabayan mo ng malamig na coke zero, wow, solve na ang snack ko. Ang inyong abang lingkod po ang mahilig gumawa ng turon dito at special request yan ng mga nagbebertdey.

Paborito ko rin ang mga kakanin na sariling atin tulad ng puto, kuchinta, maja, buche, palitaw,biko at iba pa, wag nyo na lang pansinin ang ketchup, naligaw lang yan diyan, hindi masarap ang kakanin kung lalagyan ng ketchup, dapat toyo, patis at datu puti (joke)
Mga ka-LP meryenda na tayo, Guten Appetit!!! (good appetite)