Dito sa Germany, sa pagsagip ng buhay, maagap din ang mga ambulansya sa pagtugon ng mga tumatawag sa kanila upang mabigyan ng mabilisang medical attention ang nangangailangan.
Sa ating bansa, mas mabuting ang kaanak na lamang ang magdala sa ospital kesa maghintay ng ambulansya o tulong, siguradong bago dumating ang tinawag, malamang ay matraffic, masiraan sa daan dahil sa lubak lubak na kalsada at marami pang dahilan.
Kapag may nasira sa kalye, agad din nilang nirerepair ito upang hindi lumala at makaperhuwisyo sa tao.
May pag asa pa kaya ang ating bansa? Saan napupunta ang mga buwis na binabayad ng mga empleyado? Saan napupunta ang budget para sa repair ng mga kalsada? Napakaraming katanungan pero alam nating lahat ang kasagutan.
Karamihan sa mga Aleman ay masisipag kaya naman ang kanilang bansa ay maunlad. Sila rin ay maagap na kagaya ng nasa larawan, pagtapos ang winefestival ay kanila rin agad na niligpit ang kanilang mga gamit.
Sa ating bayang magiliw, karamihan sa basurang iniwan ng bagyong Ondoy, hanggang ngayon ay hindi pa nahahakot lahat kaya naman ang mga tao ay may bagong pangamba, ang magkasakit. Napakasakit talaga Kuya Eddie ang nangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan, sino kaya ang dapat sisihin, ang mother nature? climate change? ang pamahalaan? ang mga public official? ang mga taong abuso sa kapaligiran? Walang mangyayari sa a blame game, atin na lamang isipin na ang lahat ng ito ay wake-up call para sa lahat.
8 Kommentare:
dito kasi inuuna muna ang pocket industry.:P
kahit mataas ang binabayad mong tax kung nakikita mo na efficient ang gobierno, maluwag sa dibdib ang pagbayad ng tax.
yan ang kagandahan ng maagap, kita naman sa bansa nila di bah? asensado, ang 'pinas eh laging nahuhuli,kasi nga sa lahat ng bagay eh "filipino time", kaya pati sa pag unlad,nahuhuli. :)
LP:Maagap
unti-unti naman naayos kaso nga lang, mabagal ang takbo sa ating bansa. Dahil na rin sa kawalan ng pera at siyempre, iyong mga walang kaluluwang magnanakaw na mga nasa posisyon! Dasal ko lang, sna magbago na para sa kabutihan ng lahat.
Napakalungkot ng mga nasabi mo tungkol sa ating bansa pero totoo... dapat talaga magkaroon muli ng moral ascendancy sa presidency para umunlad muli ang ating bayan.
Sang ayon ako ni Luna, pocket money muna!
Sana, uunlad na rin ang bayan natin.
Walang dapat sisihin kundi tayo. Tayo ang nag-pollute ng lugar natin at tayo rin ang bumoto sa mga pulpul na pulotiko. Haay naku!
Sana maging ganyan din ang Pinas balang araw.
Ang masasabi ko, ang ganda ng police car, X3, hehe.
My LP:
http://greenbucks.info/2009/10/15/daig-ng-maagap-ang-masipag/
Known talaga ang mga aleman sa pagiging prompt, isa sa gusto kong katangian nila.
happy weekend, antonette...pasensha na at late sa dalaw ha ...medyo kulang sa 'agap' ;)
Thesserie.com
Kommentar veröffentlichen