Mittwoch, 14. Oktober 2009

LP- Maagap

LP day na naman mga kasapi at ang ating tema para sa araw na ito ay MAAGAP or very prompt sa english. May kasabihan tayong mga pinoy na 'daig ng maagap, ang masipag.'Sa araw araw nating pamumuhay, bukod sa sipag, kailangan rin nating maging maagap o gawin kaagad ang nararapat at hindi na ipagliliban pa sa ibang araw. Huwag rin po nating kalimutang silipin ang lahok ng ibang miyembro ng Litratong Pinoy.

Dito sa Germany, sa pagsagip ng buhay, maagap din ang mga ambulansya sa pagtugon ng mga tumatawag sa kanila upang mabigyan ng mabilisang medical attention ang nangangailangan.
Sa ating bansa, mas mabuting ang kaanak na lamang ang magdala sa ospital kesa maghintay ng ambulansya o tulong, siguradong bago dumating ang tinawag, malamang ay matraffic, masiraan sa daan dahil sa lubak lubak na kalsada at marami pang dahilan.


Kapag may nasira sa kalye, agad din nilang nirerepair ito upang hindi lumala at makaperhuwisyo sa tao.
May pag asa pa kaya ang ating bansa? Saan napupunta ang mga buwis na binabayad ng mga empleyado? Saan napupunta ang budget para sa repair ng mga kalsada? Napakaraming katanungan pero alam nating lahat ang kasagutan.


Karamihan sa mga Aleman ay masisipag kaya naman ang kanilang bansa ay maunlad. Sila rin ay maagap na kagaya ng nasa larawan, pagtapos ang winefestival ay kanila rin agad na niligpit ang kanilang mga gamit.
Sa ating bayang magiliw, karamihan sa basurang iniwan ng bagyong Ondoy, hanggang ngayon ay hindi pa nahahakot lahat kaya naman ang mga tao ay may bagong pangamba, ang magkasakit. Napakasakit talaga Kuya Eddie ang nangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan, sino kaya ang dapat sisihin, ang mother nature? climate change? ang pamahalaan? ang mga public official? ang mga taong abuso sa kapaligiran? Walang mangyayari sa a blame game, atin na lamang isipin na ang lahat ng ito ay wake-up call para sa lahat.

8 Kommentare:

Unknown hat gesagt…

dito kasi inuuna muna ang pocket industry.:P

kahit mataas ang binabayad mong tax kung nakikita mo na efficient ang gobierno, maluwag sa dibdib ang pagbayad ng tax.

♥♥ Willa ♥♥ hat gesagt…

yan ang kagandahan ng maagap, kita naman sa bansa nila di bah? asensado, ang 'pinas eh laging nahuhuli,kasi nga sa lahat ng bagay eh "filipino time", kaya pati sa pag unlad,nahuhuli. :)
LP:Maagap

Marites hat gesagt…

unti-unti naman naayos kaso nga lang, mabagal ang takbo sa ating bansa. Dahil na rin sa kawalan ng pera at siyempre, iyong mga walang kaluluwang magnanakaw na mga nasa posisyon! Dasal ko lang, sna magbago na para sa kabutihan ng lahat.

Anonym hat gesagt…

Napakalungkot ng mga nasabi mo tungkol sa ating bansa pero totoo... dapat talaga magkaroon muli ng moral ascendancy sa presidency para umunlad muli ang ating bayan.

Ebie hat gesagt…

Sang ayon ako ni Luna, pocket money muna!

Sana, uunlad na rin ang bayan natin.

Unknown hat gesagt…

Walang dapat sisihin kundi tayo. Tayo ang nag-pollute ng lugar natin at tayo rin ang bumoto sa mga pulpul na pulotiko. Haay naku!
Sana maging ganyan din ang Pinas balang araw.

TeacherJulie hat gesagt…

Ang masasabi ko, ang ganda ng police car, X3, hehe.

My LP:
http://greenbucks.info/2009/10/15/daig-ng-maagap-ang-masipag/

Thess hat gesagt…

Known talaga ang mga aleman sa pagiging prompt, isa sa gusto kong katangian nila.

happy weekend, antonette...pasensha na at late sa dalaw ha ...medyo kulang sa 'agap' ;)

Thesserie.com