Mittwoch, 29. Juli 2009

LP- Proteksyon (Protection)

Magandang Huwebes sa lahat ng kasapi, LP day na naman. Ang tema para sa araw na ito ay proteksyon. Atin ding tingnan ang mga proteksyong lahok ng ibang miyembro ng litratong pinoy.
Ang unang lahok ko ay sinelas, ito ay proteksyon ng ating paa sa mga matutulis na bagay at sa nakakapasong init ng ating nilalakaran. The slippers protect our feet from heat and harmful objects.

Pagkatapos ng maoperahan sa appendicitis ang aking shatzi Dirk, nilagyan iyon ng gasa upang proteksyon sa infection. Nagkamali ang mga doktor sa operasyon na yan wala silang nakuha, nagkaron lamang ng impeksyon ang kanyang tiyan na pwedeng gamutin ng antibiotics.

Nasa larawan ang aking best friend na si Joy na may plastik na guwantes sa kanyang kamay, proteksyon iyon sa nahuli niyang palaka na pumasok sa aming work station.

Si Mama Mary ang masasaabi kong pinakamahalagang proteksyon sa buhay ko. Araw araw niya kaming pinagpapala at pinoproteksunan. Sa kanya ako kumukuha ng lakas upang harapin ang araw araw na pakikibaka sa buhay.

7 Kommentare:

Thess hat gesagt…

Nag stick ang focus ko sa pagkakamali ng doktor! Napaka unacceptable. Hindi ba kayo nagalit?
Kaya siguro nairita ako ay dahil dito (Holland) man sa amin ay may mga doktor akong nakitang walang pagmamahal sa kanilang trabaho o pasyente. Arogante pa sila at hindi aamin sa kanilang mga kamalian.

anyway bago humaba, Happy LP :)

Thess

linnor hat gesagt…

ang galing naman. iba-ibang proteksyon ang ipinakita mo. pinakamabisa ang litrato ni mama mary na nagrerepresent sa power ng dasal :)

♥♥ Willa ♥♥ hat gesagt…

grabeh naman ang kapalpakan ng doktor, did you press charges against them?Ano ang mga proteksyong ng pasyente laban sa mga ganyang klaseng doktor?
LP:Proteksyon

TeacherJulie hat gesagt…

Ay, bakit ganun yung nangyari? Nagreklamo ba kayo?

Marites hat gesagt…

ngeh! nagkamali ang mga doktor?? abah! paano nangyari ang ganun? Dapat ireklamo sila, diba? Sana gumaling na kaagad ang pasyente ninyo.

Unknown hat gesagt…

oh my! did you sue the doctor? grabe naman, simple lang na sakit, nag-opera sila.

OHMYGUMS hat gesagt…

tsinelas, bahagi nang ating kultura.

Baguhan po ako sa LP, sana mabisita mo ang pinaka-unang litrato ko :) Salamat.

http://ishotthese.blogspot.com/2009/07/litratong-pinoy-proteksyon.html