Mittwoch, 8. Juli 2009

LP- Basa (wet)

LP day na naman, maligayang huwebes sa lahat ng kasapi. Silipin din natin ang lahok ng ibang miyembro ng litratong pinoy. Ito naman ang aking lahok sa temang basa (wet) para sa araw na ito.

Makikita sa larawan ang aking kabiyak na nagpapahinga sa swimming pool ng aming clubhouse sa southforbes. Siya ay basang basa at sa kanyang power nap, doon siya nakakapagisip isip ng mabuti sa mga bagay bagay. Sinasabi ko sa kanya na delikado ang matulog sa pool, mababaw lang naman daw tulog niya, sabagay may tatlong lifeguard na nakatingin sa kanya at isang german shepherd na nagbabantay at ako yon, ready anytime na sumalakay (hindi nga pala ako marunong lumangoy),kaya nga dinadaan ko na lang sa pagkuha ng picture.

Binibiro ko rin siya na siya ay slim sa tubig, mala adonis ang kanyang dating. Pero kahit na kulang ang timbangan sa kanya, napakabait naman ng aking esposo at utang ko sa kanya ang lahat ng pagbabagong nagaganap sa buhay naming mag- iina.

The clubhouse villas pool is the extended bedroom of my better half. I'm always telling him that sleeping there is dangerous. He's always taking his power nap in the pool and its there that he's conceptualizing things. Anyway, there are three lifeguards ready to help him anytime. In the pool, he looked so slim far from his overweight figure. But for me, weight doesnt matter, its the love that bind us together and my family owe a lot of gratitude to him.

10 Kommentare:

♥peachkins♥ hat gesagt…

wehehe,natawa ako sa german shepherd...

fortuitous faery hat gesagt…

sarap magfloating! gawain ko rin yan pag nagswiswimming. :P

arls hat gesagt…

parang ang ganda ng tubig!!!!

ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-basa-wet/

Unknown hat gesagt…

ang sarap nga mag-float...at i'm sure magaganda ang panaginip ng hubby mo pag natutulog sya sa pool.:P

grabe, kulang ang timbangan? :D

SASSY MOM hat gesagt…

Ang sweet naman! Ang sarap magfloating - parang nakakarelax. Happy LP!

PEACHY hat gesagt…

floating lang alam ko hindi kasi ako marunong lumangoy :-)
ito naman ang lahok ko
magandang araw!

irie hat gesagt…

sarap naman ng tulog niya. heheh

eto naman po ung akin :D

BASA

HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

Carnation hat gesagt…

napakarelaxing naman! salamat sa dalaw

Zeee @ I Heart Romance and Other Things hat gesagt…

awww sarap naman sa panhinga nya! perfect for the heat!

LP entry: http://www.zdarkroom.info/2009/07/lp-basa-wet/

Munchkin Mommy hat gesagt…

nakakainggit naman ang iyong kabiyak at para naman talagang relaxed na relaxed siya! :)