Sa tuwing kami'y nagbabakasyon sa Pilipinas, naglalaan talaga kami ng panahon upang pagtuunan ang aming sarili. Sa ating bansa mura ang body pampering tulad ng masahe at foot spa. Kailan lamang ay nagpa foot spa ang aking better half dahil MAKAPAL na raw ang kanyang kalyo sa paa.
MAKAPAL na Yelo naman ang naghihintay sa aming pagbabalik sa Alemanya. Sabi ng aking mga kaibigan doon, grabe daw ang lamig ngayon at napakahirap magmaneho sa snow. Kung pwede nga lang na mamalagi na rito subalit kailangan naming harapin ang ibang responsibilidad doon.

Bagama't napabayaan na ang Nayong Pilipino, MAKAPAL pa rin ang dahon ng mga tanim doon. Sana ay bigyan ng pansin ng ating pamahalaan ang paboritong field trip destination na ito ng ating mga mag aaral. Naging MAKAPAL na rin ang mga water lilies sa man-made lagoon doon.