Mittwoch, 7. Oktober 2009

LP - Tamad (Lazy)

Happy LP sa lahat bagama't marami sa ating mga kababayan ay nahihirapang bumangon sa pinsalang dulot ng bagyong Ondoy o Ketsana. Dalangin ko na sana'y marami pa ang tumulong ng sa gayon ay maibsan ang kanilang mga nararamdamang lungkot bunga ng di inaasahang trahedya sa buhay. Atin ding silipin ang mga lahok ng ibang kasapi sa Litratong Pinoy sa temang TAMAD.

Ang aking unang lahok ay si LOLA. Napagod siya ng kalalakad sa siyudad ng Offenburg kung kaya't tinamad na siyang maglakad, umupo na lamang at inistretch na lamang ang mga paa.

Si MANONG naman ang pangalawa kong lahok. Hindi pa naman siya matanda, pwede pa siyang maghanapbuhay pero siya ay tamad, kung kaya't namalimos na lamang. Hindi ko lubos maisip kung bakit may mga taong gustong mamuhay sa tulong ng iba, wala naman silang kapansanan, katamaran na lang talaga.

Sa ikatlong larawan, si AKO ay tinamad magluto, pizza na lamang sana ang kakainin ko, diet kasi ang drama ko sa buhay ngayon, kaya lang naimbitahan akong mag lunch sa bahay ng isang malapit na kaibigan. Mahirap namang umiwas sa grasya kaya go na rin ako at saka iba talaga kapag may kasalo kang kumain, bigla tuloy nawala sa isip ko ang pagbawas ng timbang, sino ba naman ang di gaganahan sa ulam na sugpo at adobo.

13 Kommentare:

  1. hindi din ako tamad kumain pag may kasalo kaya sa gabi ako napapadami kumain dahil kumpleo kami :D

    ung 2nd, maliban sa katamaran baka walang papel...ehehe madami na din ganyan ako nakikita minsan iniinterview na ng pulis.

    Happy LP!

    www.gmirage.com

    AntwortenLöschen
  2. pizza palagi ang savior of the day pag walang makain...isang tawag lang andyan na sa pinto. :P

    AntwortenLöschen
  3. OO nga - ba't naman tatanggi sa grasya, di ba? Go na kahit diet pa - hahaha!

    AntwortenLöschen
  4. Naku, yung pangalawang larawan, marami niyan dito sa Pinas :(

    Ang aking LP:
    http://greenbucks.info/2009/10/08/sagot-sa-kagutuman/

    AntwortenLöschen
  5. uy pizza! :D hehehe. saka na alalahanin ang diet ate:P hehehe.

    AntwortenLöschen
  6. sang ayon ako sa pangalawang litrato, tamad nga siyang mag hanap buha. Pizza, instant dinner yan!

    AntwortenLöschen
  7. Hmmm if lazyness for meals means pizza id love to be lazy at dinner time. lol!

    those guys up there still look workable if they want to.

    happy LP!

    Arlene
    http://sunshine-photoblog.blogspot.com/2009/10/lp-tamad-lazy-rt.html

    AntwortenLöschen
  8. mas masarap ngang kumain kung may kasalo. mukhang pagod na pagod si lola nga. maligayang LP!

    AntwortenLöschen
  9. aynaku nakakatamad magbigay ng limos sa mga tamad na tulad ni manong. hehehe



    eto naman po ung akin :D

    TAMAD:)

    HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

    AntwortenLöschen
  10. hi po,
    im kathie from bukidnon, mindanao..i just love looking at your pic..,dami na po kasi lugar na napuntahan nyo..take care always po

    AntwortenLöschen
  11. mommy, inggit talaga ako sa samahan niyo diyan mga pinoy. sana meron din ganyan dito. parati nalng kayo kumakain at nagpaparty. hehe. nagutom tuloy ako. makalipat nga diyan. hehe

    AntwortenLöschen
  12. kakatamad nga kumain mag-isa, at nasisira naman ang diet kapag may kasabay.:P

    AntwortenLöschen
  13. wow ang sarap naman ng handa ng friends mo

    sana maibigan nyo rin ang aking lahok

    magandang araw ka-litratista :)

    Salamat sa pagbisita :)

    AntwortenLöschen