Mittwoch, 2. September 2009

LP - Lakad (Walk)

Magandang HuweBEST sa inyong lahat, LP day na naman at ang ating tema para sa araw na ito ay Lakad, maraming kahulugan ang tagalog word na ito, pwede itong maging destinasyon, proseso, paraan ng paglakad atbp. Tunghayan din natin kung anong lakad mayroon ang ating mga kasapi sa litratong pinoy.

Noong huli naming bakasyon sa Pilipinas, nasira ang isang sinelas ng aking kabiyak habang kami's nasa SM sa santa rosa. Mabuti na lang at may Mr Quickie doon at aming ipinarepair ang nasirang sinelas. Siya ay binigyan ng isang pares ng sinelas upang pansamantala niyang magamit, dahil maliit (ang size niya ay 13), ayaw niyan gamitin ang ibinigay na sinelas, isa na lang ang gagamitin niya. Sa loob ng 45 minuto na kami ay palakad LAKAD sa SM, lahat ng nakakasalubong namin ay sa paa niya nakatingin dahil sa magkaibang pares. Parang sirang plaka rin ako na nag eexplain na nirerepair ang kanyang sinelas, namaos tuloy ako.

Noong katapusan ng Agosto, ang LAKAD namin ay sa Embahada ng Pilipinas sa Frankfurt upang magparehistro sa absentee voting. Iyon ang huling araw na ibinigay ng COMELEC upang ang mga naninirahan sa ibang bansa ay makapagpatala at makaboto sa pambansang halalan sa susunod na taon, Mayo 10, 2010. Iyan ay aking kaarawan kaya iniimbita ko kayong lahat na bumoto, bahala na ang mga kandidato sa pagkain. Alam kong magiging masaya ang aking kaarawan dahil sa dami ng tao.

Suot ang aking LP-tshirt, ako ay nag pose sa isa sa mga simbahan sa Frankfurt, isa sa pinaka malaking siyudad sa Alemanya.

Gusto ko sanang dito magpalitrato suot ang aking LP t-shirt kaya lang may mga kalalakihan na nakaupo sa ibaba ng taong bato na ito.

18 Kommentare:

  1. aliw ung statue! ahaha game pala si hubby magsuot ng hindi-pares na tsinelas...nauso dati ung tsinelas na magkaiba ang design....lol.

    Happy LP!

    www.viennadaily.gmirage.com

    AntwortenLöschen
  2. bakit naman di na lang isang pares ang pinahiram? anyways, ok na rin para may katuwaan.

    AntwortenLöschen
  3. ay ang cute ng statute.

    Happy LP

    http://upto6only.com/2009/09/02/lp-lakad/

    AntwortenLöschen
  4. naku hindi lahat ng tao magsusuot ng magkaibang pares ng tsinelas. nakakatuwa si hubby mo.

    masaya talaga sa birthday mo kasi election day. hindi sana mabalewala ang boto ng mga absentee voters na kagaya niyo. advance happy birthday pala. :)

    AntwortenLöschen
  5. Kakatawa naman yung tungkol sa tsinelas, hahaha.


    http://greenbucks.info

    AntwortenLöschen
  6. ktuwa naman iyong magkaibang pares ng tsinelas at nilakad-lakad pa sa mall:)

    Kakaiba ang istatuwa ha, sayang hindi ka nakapaglitrato kasama siya. maligayang LP!

    AntwortenLöschen
  7. Nakakatuwa ang tsinelas, hehehe! Mukhang masarap mamasyal diyan a. Ganda ng mga tanawin.

    AntwortenLöschen
  8. ako din po gusto ko din pakuha ng litrato sa rebulto hehehe

    di baleng hindi pares ang tsinelas kung ganyan kagandang lugar ang pupuntahan...

    heto po naman ang aking lahok:
    http://prettystepdaughters.blogspot.com/2009/09/lp-73-lakad.html

    AntwortenLöschen
  9. Uy, naka-LP shirt din ako sa litrato ko ngayong Hwebes. Eto o:

    http://www.maureenflores.com/2009/09/litratong-pinoy-lakad-walk.html

    AntwortenLöschen
  10. talaga namang pagtitinginan siya. hehehe.sobrang magkaiba ung tsinelas hehehe


    eto naman po ung akin :D

    Lakad. Lakad :)

    HAPPY HUWEBEST KA-LP :D

    AntwortenLöschen
  11. Naaliw naman ako sa tsinelas. Hindi s'ya conscious. Comfort before porma. :)

    Ito naman ang aking entry.

    AntwortenLöschen
  12. nakakatuwa nga ang ichura ng statue na iyon. :)
    LP:Lakad

    AntwortenLöschen
  13. Game na game si mister ha ha!
    Naku tiyak busy ka sa birthday mo pala....sana nga hindi mabalewala ang count ng absentee voters.

    Sana isali mo sa 'LP goes to' project yung mga shots mo na nakasuot ka ng shirt natin :)

    happy lp and thanks sa dalaw!

    Thess

    AntwortenLöschen
  14. kaloka naman ang tsinelas ng hubby mo.:P ewan ko, pero di ba parang obscene ang statue? hahaha

    AntwortenLöschen
  15. an2nette, tuwang-tuwa ako sa asawa mo. wala syang qualms kahit di pares ang suot nyang tsinelas.

    he seems like a great guy.

    anyways, tiga sta. rosa ka ba?

    AntwortenLöschen
  16. salamat po sa pagbisita sa blog ko..

    sana po mgkita tau

    AntwortenLöschen
  17. hehe nakakatuwa naman at inilakad nya talaga yung magkaibang parehas ng tsinelas, cool guy!

    salamat sa komento sa aking lakad :)

    AntwortenLöschen
  18. @Glo - hi! i cannot access your webpage, yup taga santa rosa, laguna ako

    AntwortenLöschen