Mittwoch, 4. März 2009

Litratong Pinoy Nr. 48- BAG

Ito ang aking unang lahok para sa Litratong Pinoy sa temang BAG para sa linggong ito.

Isa ito sa pinakapaborito kong bag. Ito ay may unique na design at ginamitan din ng magaan at pinabilog na kahoy para sa karagdagang disenyo. Yari din ito sa leather na materyal at nabili ko ang bag na ito ng kami'y namasyal sa bansang austria. Ito rin ay takaw pansin kapag ginagamit ko, siguro silay talagang nagagandahan sa bag.
(This is one of my favorite bag. It has a unique design and also use a light rounded wood as additional design. It is made of leather material and I bought this bag during one of our trips to austria. When i use this bag, some take a second look, probably my bag is really nice.)

Sadyang napakahalaga ng bag na ito sa akin. Nung ako ay natanggap bilang isa sa mga iskolar dito sa alemanya ang bag na ito ang unang ibinigay sa amin. Ito ang nilagyan nila ng mga importanteng babasahin ukol sa aming pagtira sa alemanya at sa kursong aming pag aaralan. Masasabi kong talagang napakapalad ko sapagkat mula sa 1500 na aplikante sa buong mundo, 120 lamang kaming kinuha upang mag-aral sa graduate school. Ang kurso ko nga pala ay MBA- International Business Consulting.
Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil ang pag aaral kong ito ang nagbigay daan sa magandang kinabukasan ng aking mga anak at dito ko rin nakilala si dirk na sadyang tunay na nagmahal hindi lamang sa akin kundi sa aking pamilya. Ang bagong pangalan ng unibersidad na ito ngayon ay Hochschule Offenburg)
(This bag is really very important to me. When i was accepted as one of the scholar of the german government here, this bag was given to us. It contained relevant informations regarding the life here in germany and brochures for our respective courses. I would say that i'm really lucky because out of 1500 applicants around the world, only 120 was accepted. My course is MBA - International Business Consulting. I thank God because this study is my stepping stone towards a good future for my children and its also here where i met the love of my life, dirk, who truly love, not only me but my family as well. The new name of this university is now Hochschule Offenburg.)

2 Kommentare:

raqgold hat gesagt…

welcome sa LP :D

an2nette hat gesagt…

Thanks raquel, your blog encourage me to join. 2nette