Mittwoch, 9. September 2009

LP- Lansangan (Road)

Huwebes na naman mga ka-LP, at ang tema para sa araw na ito ay lansangan, road o city street sa wikang ingles. Huwag nating kaligtaang silipin ang mga lansangang lahok ng iba pang miyembro ng litratong pinoy.

Kami'y namalagi sa Pilipinas ng humigit kumulang apat na buwan ng nakaraang taon. Sa aming paglalakbay sa araw araw, eto ang aming mga nakita sa lansangan:

Tricycle na may iba't ibang karga kasama na ang maliit na aparador

Pagtitinda ng iba't ibang gamit sa bahay, katuwang sa hanapbuhay si Baka

Nagtitinda ng saging. Sa aking lahok, patunay lamang na ang mga pinoy, ay sadyang masipag, kahit anong hanapbuhay ay papasukin masuportahan lamang ang pangangailangan ng pamilya.


Sa Alemanya naman, makikita mo sa lansangan ang paraan ng mga tao upang mabuhay. Kagaya na lamang ng payaso na ito, napagod na kaya kailangang magpahinga, kahit sino ay mangangalay na tumayo ng walang galawan at maghihintay na lamang na abutan ng barya

Ang pagbebenta naman ng mga pagkaing asyano ang ikinabubuhay ng intsik na ito

Kahit ano ay pwedeng ibenta

Kasama na pati ang mga higante at maliit na kalabasa

At mga kalabasa pa rin

12 Kommentare:

  1. Natuwa ako sa ga-higanteng brief, LOL!

    Heto naman ang aking lahok

    AntwortenLöschen
  2. ako rin, kuha ko pa sa pinas ang aking entry ngayon. :)
    Naaliw ako sa mga litrato mo. :)
    LP:Lansangan

    AntwortenLöschen
  3. ang dami mo ngang makikita sa lansangan. ang galing at nakuhanan mo. :)

    AntwortenLöschen
  4. Dun sa pangalawang litrato, bata yung nasa ibabaw ng tricycle hindi ba? Parang nag-Superman?
    Galing nung malaking brief!

    AntwortenLöschen
  5. pahingi naman ng pumpkin mo.. malapit na nag halloween hihi

    Eto naman ang lansangan ko

    AntwortenLöschen
  6. Happy Halloween!! Hehehehe :D

    Ang ganda ng mga kuha mo...lalo na yung undies na nakasabit :P

    Cookie
    http://scroochchronicles.com/?p=1937

    AntwortenLöschen
  7. hahaha naaliw naman ako sa mga litrato mo. lalo na yong biggie na briefs at ang mga kalokang sasakyan dito sa Pinas.:P

    AntwortenLöschen
  8. laki nung underwear hehehe
    at ang kulet ng mga kalabasa hehehe

    happy LP :)

    AntwortenLöschen
  9. naku! mukhang tatlong pinoy ang kakasya sa underwear na iyan hihihihi! katuwa iyong mga litrato mo.

    AntwortenLöschen
  10. ang galing naman, daming variety ng mga kuha :-)

    nakakatuwa yung nagtitinda ng mga fruits, gahigante din siya!

    heto naman ang aking lansangan

    AntwortenLöschen
  11. grabe talaga kung gaano kadami ang kayang ikarga sa tricycle! hehe.

    AntwortenLöschen
  12. gusto ko rin ang giant underwear! :)
    ces

    AntwortenLöschen